CFAD by heart.

“Life is change, and nothing ever stands still.”

Well, nothing is constant. And you have to prepare yourself in everything. Today, my last day in CFAD, my first family in college..

Una pa lang nun sinabi ko na sa sarili ko na di ako para dito, di ako artist, di nga ako makapagdrawing. Di ko lubusang maisip kung bat ako nakapasa, na kahit may mas deserving sa slot ko. Mga first week pa lang ng school nun, umiyak na ako and nagstart na ako mag-asikaso ng paglilipat sa ibang school for 2nd sem. hanggang sa umabot ng pag dro-drop ng mga subject kasi nafrufrustrate ako at naiintimidate sa galing ng mga ka-block ko. Na-culture shock pa ako. Di ko talaga matanggap na nasa Advertising Arts ako. As in nag sara na yung pinto para sa pag accept ng course na ‘to. Hanggang sa umabot na ako ng 2nd sem. na dati inaabangan ko lang na matapos. Ngayon, ngayong tapos na, di ko lubusang akalain na ganun pala kabilis yung panahon na dati nagcountdown pa ako, nag-iintay na matapos yung mga araw para masimulan ko ng magshift. Pero di ko inakala na dadating yung panahon na yung isang bagay na pinaka-ayaw mo ay pwede mong mahalin at gustuhin kung bibigyan mo lang ng chance o pagkakataon man lang na masubukan. Siguro nasa pagsising part ako kasi napakadami kong nasayang na panahon pati pera, mga pagkakataon na kung di ko hinayaan na pangunahan ako ng takot natuto pa sana ako at kung hindi ko hinayaang maapektuhan ako ng mga tao sa paligid ko, wala sana ako sa kawalan ngayon.

Habang nag-bbye ako sa mga ka-block ko kanina, yung feeling na di ako pwedeng maiyak or ano mang emotion dapat kong itago kasi una pa lang naman ito na yung ginusto ko. Ito yung choice at pinili ko. Just so happen sa haba ng panahon o sa panahon na nalaan para sa AD-5 di ko inaakala na ma-a-attach ako sakanila, yung mga what if. Kaso hindi naman pwede kasi di ko gusto yung pagdradrawing/ arts, yung mga tao lang yung gusto kong makasama. Pero minsan, nararamdaman ko yung kagandahan ng arts, siguro dahil yung mga kasama ko nga or kasi yung environment ko.

Nakakalungkot kasi di ko na sila makakasama for the whole college life ko, pero I’m so thankful na nameet ko sila. Yung mga napagsamahan kahit na hindi ganun kabigat, and same university pa din naman, course lang ang nabago. And hoping na makalipat ako. Sobra sobra na yung mga nasasayang.

Life goes on.. Magbago man lahat ang importante ay yung mga natutunan mo dito. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s